‘Unified karate federation to resolve dispute’ – Malalad
HINDI mareresolba ang gusot sa Philippine karate kung walang pagkakaisang magaganap mula sa lahat ng karate club, association at stakeholders sa lalong madaling panahon.
Inamin ni Asian medalist at three-time SEA Games karate champion Gretchen Malalad na malalim ang sugat na nilikha ng kontrobersya bunga ng kawalan ng malasakit at pang-aabuso ng mga dating opisyal, ngunit nananawagan siya ng pagkakaisa upang maibangon ang kredebilidad at pundasyon ng Philippine Karate-do Federation (PKF).
“Lahat naman po tayo ayaw natin yung nangyari in the past. But divisiveness has no place in karate and to Philippine sports as a whole. We need to unite and stand as one for the sake of the athletes and sports in general,” pahayag ni Malalad 2002 Busan Asian Games bronze medalist.
“I’m aware sa lahat nang nagyari at talagang kawawa ang ating mga atleta. That’s why the whole karate community is uniting and stand as one whatever it takes,” pahayag ng 26-anyos beauty queen at showbiz personality.
Iginiit ni Malalad na prioridad niya matapos mahalal sa ginanap na election ng PKF nitong Pebrero na mapagisa ang karate community, kabilang ang Karate Pilipinas na pinamumunuan ng dati ring National player na si Richard Lim.
Ang Karate Pilipinas ay nabuo matapos ang kontrobersyal at isyu ng korapsyon sa PKF. Sa kasalukuyan, kinikilala ng Asian Federation at International body ang grupo ni Lim.
Ngunit, hindi pa tinatanggap ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang miyembro ang Karate Pilipinas at nananatili ang recognition sa PKF.
“I understand that the issues concerning former officials of PKF ang dahilan, but the problem is those officials, alam naman natin na kinasuhan na sila. Yung asosasyon, wala namang problema kaya walang dahilan para buwagin ito,” aniya.
Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng National Convention kung saan imbitado ang lahat, ngunit, hindi dumalo ang grupo ni Lim, ayon kay Malalad.
“After scrutinizing the list of bonafide members sa buong Pilipinas, more than 200 attend the General Assembly and voted me as the new President of PKF. Kinausap ko na si Richard (Lim) para unified naming ang karate federation, then magkaroon uli ng election sa PKF,” ayon kay Malalad.
Iginiit ni Malalad na kailangan na magkaisa ang karate bago ang SEA Games sa Disyembre upang makapaghanda ng todo ang mga atleta.
“An gaming time frame dapat by October, magkausap-usap na, magkaisa kami at magelection na. walang maiiwan, walang aalisin, fair election ang kailangan,” sambit ni Malalad.
-Edwin G. Rollon