TAMPOK na panauhin ang bagong kampeon San Juan Knights ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Pangungunahan ni coach Randy Alcantara ang Knights na inaaasahang sasamahn ng ilang key players at ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes sa public forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Tapa King, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corpoation (PAGCOR).

Magbibigay din ng kanilang balita sa programa na nakatakda ganap na 10:30 ng umaga ang PRURIde PH 2019 race sa Subic at ang second conference ng Nationals.

Matapos ang matagumpay na PRURIde PH, isang UCI 2.2 stage race, raratsada ang Subic race tampok ang mga pamosong rider na sina Jeremy Prado at Jan Paul Morales, at Pru Life UK Senior Vice President Allan Tumbaga.

Mangunguna si Commissioner Daren Vitug sa magpapahayag ng impormasyon para sa the he Nationals sa May 1.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics