Dinakma ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang wanted na Koreano dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gambling operations na bumibiktima ng kanilang kababayan, sa isang operasyon sa Pampanga, nitong Huwebes.

FUGITIVES

Nasa kustodiya na ng BI ang South Koreans na sina Lee Jongjin, 28, at Chae Kwangbeom, 40, nang dakpin ng grupo ng Fugitive Search Unit (FSU) sa kanilang tinutuluyan sa Clark Hills Subd., Angeles City, kamakalawa.

“We will deport them for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by the Korean government.  They are also undesirable aliens for being fugitives from justice who pose a risk to public safety and security,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinaliwanag ni FSU chief Bobby Raquepo, hawak nila ang mga warrant of arrest ng dalawa mula sa Busan district court sa Korea kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Game Industry Promotion Act

Kinasuhan aniya ang dalawa kasunod na rin nang pagkakabisto sa operasyon ng kanilang tatlong private online server sa naturang lungsod matapos nilang palsipikahin ang interface adapter ng isang rehistradong online game na “Lineage 1” na pinagkakakitaan na nila mula pa nitong nakaraang Enero.

-Jun Ramirez