HINDI napigilan ni Kris Aquino ang sarili sa comment ng isang Twitter user na pumuna sa kanyang hitsura at sinabihan pa siya ng “tanga”.

Kris

Komento ng netizen na si @Me-dusa: “Anyare sa beauty ng boss mo? Payat na payat na. Kung kelan malapit nang matigok, du’n pa naging tanga.”

Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram Story ang sagot niya sa nasabing netizen: “I don’t personally handle my Twitter but this IG is my sovereign territory.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

“BUHAY ako, prayers are now with those who lost their loved ones sa lindol.

“Normally kayang-kaya ko mag-ignore... BUT I take exception ‘pag tinawag akong ‘tanga’—shall we meet? Want to see how intelligent you are. Kung ka-level ka ng DAD ko, by all means I can humble myself & agree with you. Game knb?”

Tinukoy pa ni Kris ang ama na si dating Senator Ninoy Aquino.

Kasi naman itong si @Me-dusa, ang lakas makapagsabi ng “tanga”, kaya kahit ayaw pumatol ni Kris ay napilitan siyang sagutin ang basher.

-Nitz Miralle