TARGET ng Department of Energy (DOE) na maibalik sa pangkalahatan ang supply ng kuryente sa buong Luzon kasunod ng nangyaring 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes ng hapon.

KURYENTE

Ayon sa inilabas na kalatas ng DOE, nasa 98.5% ng supply ng kuryente ang naibalik na sa Pampanga Electric Cooperative II (PELCO), dakong 2:45 ng hapon nitong Martes.

Ang natitirang 1.5% ay sakop naman ng 2,300 bahay sa mga munisipalidad ng Guagua, Lubao at Porac sa nasabing lalawigan.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

“While the rest of Luzon has already been reenergized, PELCO II is targeting the full  estoration of power in its service area this morning,” ayon sa DOE.

Sa kabilang banda, nagpatupad ang DOE ng price freeze sa kerosene at liquefied petroleum (LPG) sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity bunsod ng nangyaring malakas na lindol.

Sa pulong balitaan, iginiit ni DOE Undersecretary Felix Fuentebella na hindi dapat magtaas ang presyo ng kerosene at LPG sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa loob ng 15 araw.

Samantala, nilinaw naman ni Usec. Fuentebella na walang naging epekto ang malakas na lindol sa supply ng mga produktong petrolyo sa bansa.

-Bella Gamotea