NEW YORK (AP) — Pinagmulta ng US$25,000 si San Antonio Spurs guard DeMar DeRozan bunsod ng pagbato sa bola sa direksyon ng referee sa Game 4 ng laro laban sa Denver Nuggets.

Ibinaba ang multa nitong Linggo (Lunes sa Manila) ni NBA discipline executive Kiki VanDeWeghe.

Naganap ang insidente may limang minuto ang nalalabi sa laro kung saan natalo ang Spurs, 103-117, nitong Sabado. Tabla ang serye sa 2-2.

Tinawagan si DeRozan ng offensive foul kontra Denver’s Gary Harris at sa inis ay ibinato ang bola sa direksyon ng referee patungo sa manonood. Pinatawan siya ng technical foul at kaagad na pinatalsik sa laro.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Aniya, nadismaya siya sa aniya’s ‘bad call’ ng referee.

Nakatakda anng Game Five sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa Denver.