BAGAMAT lumalaban pa upang umabot ng finals ng Philippine Cup, hindi naman nagpapabaya sa paghahanda para sa susunod na PBA Commissioners Cup ang Phoenix Pulse.

KUMPIYANSA sina World 9-ball champion Rubilen Amit at bagong kasangga na si Floriza Andal sa matikas na kampanya ng Team Philippine sa SEA Games, habang may bagong bayani sa billiards sa katauhan ni Police Sgt. Eric ‘Billiard Cop’ Bayhon (dulong kaliwa nakaupo) sa kanyang pagsabak sa World Plice championships sa China. Nakiisa ang tatlo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na napapanood sa Facebook live via Glitter Livestream tuwing Huwebes. Itinataguyod ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Kaugnay nito, kinuha nila si dating Alaska reinforcement Rob Dozier para maging import sa second conference na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan.

Dating Best Import award winner, pinamunuan ni Dozier ang Aces sa kampeonato ng 2013 Commissioner’s Cup.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Huli siyang naglaro sa Alaska noong 2016 Commissioners Cup kung saan tumapos silang runner-up sa nagkampeong Rain or Shine.

Mula noon, naglaro siya sa Japanese B-League sa koponan ng San-En NeoPhoenix.

Inaasahang hindi mababaguhan ang 33-anyos na si Dozier sa Fuel Masters dahil marami syang makakasama doon na dati din nyang nakasama sa Aces kabilang na sina head coach Louie Alas at assistant coach Topex Robinson at mga players na sina Calvin Abueva at RJ Jazul.

-Marivic Awitan