HANDA na at palaban na ang mga top breed gamefowl sa pagpalo ng World Pitmasters Cup (WPC) 9-Cock International Derby sa Abril 21-30 sa Resorts World Manila.

ISINAGAWA nina sabong guru Atong Ang at Eddie Bong Plaza ang tradisyunal na patuka sa mga manok hudyat sa pagsisimula ng 2019 Worlds Pitmasters Cup 9-Cup International Derby sa ginanap na media presentation kahapon sa Resorts World Manila. Nakatakda ang Pitmasters sa Abril 21-30.

Sa pangunguna nina Charlie ‘Atong’ Ang. Gerry Ramos, Eng. Sonny Lagon, RJ Mea, Agusan Del Sur Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan ni Eric dela Rosa, inilunsad ang torneo kahapon sa isinagawang media conference sa Grand Bar, Resorts World Manila.

Nakasereserba ang April 21,22,23 para sa 2-Cock Elimination Rounds, habang ang April 24 ay ang one day 6-Cock Big Event at ang April 25,26 at 27 ay para sa 3-Cock Semifinals. Gaganapin ang BMEG Integra Powermaxx Cup 6-Cock Derby sa Abril 28 kasabay ng Pre-Final Round para sa qualifiers na may 3 at 3.5 aggregate points at ang Grand Finals para sa entries na may 4,4.5 at 5 puntos ay sa Abril 30.

Sanctioned ng Games and Amusements Board, ang nine-day cocking spectacle ay co-presented ng Resorts World Manila at sa pagtataguyod ng Thunderbird, VNJ Distributors, Thor MD, Experto Gamefowl Products, Inc., Excellence Poultry at Livestock Specialist at BMEG Integra.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa World Pitmasters Cup International Derby -WPC Facebook page o tumawag sa 0927-8419979.