Mga Laro Ngayon

(San Beda Gym)

8:00 a.m. University of the Philippines vs. De La Salle (Seniors A)

9:30 a.m. University of Santo Tomas vs Far Eastern University (Juniors A)

11:00 a.m. La Consolacion vs Arellano University (Juniors A)

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

12:30 p.m. Letran College vs Diliman College (Seniors B)

RUMATSADA ang Mapua University sa second quarter upang kumawala at magapi ang Treston International College, 90-72. kahapon sa 25th Fr. Martin’s Cup Summer Tournament kahapon sa San Beda University Gym sa Mendiola.

Mula sa dikit na laban sa first canto, pinangunahan nina Warren Bonifacio at Christian Buñag ang pag-arangkada ng Cardinals sa second period na nagresulta sa 38-21 bentahe.

Mula roon, dina na sila lumingon pa upang makopo ang unang panalo sa Seniors division A.

Nagsikap pang dumikit muli ang Golden Lions, ngunit hanggang sampung puntos lamang ang naging pinakamalapit nilang agwat sa iskor na 59-69 dahil nanatiling kontrolado ng Cardinals ang laban hanggang katapusan.

Pinangunahan ni Bonifacio ang panalo sa ipinoste nitong 16 puntos kasunod si Adrian Nocum na nag-ambag ng 15 puntos at si Buñag na may 14 puntos.

Sa iba pang laro, ibinawi naman ng Treston Golden Cubs ang kanilang seniors counterparts nang igupo nila ang San Beda Manila Red Cubs sa Group A ng Juniors division sa iskor na 93-74.

Nanguna si Ronel Ulep na umiskor ng 14 puntos from Ronel Ulep sa nasabing tagumpay ng Taguig-based squad.

Nagtapos namang leading scorer para sa San Beda at sa laro si forward Andrei Ostonal na may game-high 23 puntos.

-Marivic Awitan