‘Eto ang literal at garantisadong cheesy!

Chef Johnny di Francesco

Chef Johnny di Francesco

Matagumpay na naangkin ng isang Australian pizza chef ang Guinness World Record nang pagsama-samahin niya sa isang pizza ang 154 varieties ng keso.

Sa ulat ng United Press International, dating nahawakan ni Johnny di Francesco, chef sa 400 Gradi sa Melbourne, ang Guinness World Record para sa “greatest variety of cheese on a pizza” nang maluto niya ang 99-cheese pizza—pero dinaig ito ng isang chef na may 111 varieties sa pizza.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya naman nagdesisyon siya na muling bawiin ang kanyang world record gamit ang kanyang 154-cheese pizza.

"While the 154-cheese pizza may not have been a culinary impossibility, it was certainly a culinary challenge! We knew it was an ambitious idea, but probably more-so than first anticipated," ani Francesco.

Samantala, nakabenta siya ng 797 “Cheesy Pizza” sa loob ng limang araw.