MASAYA ang fans ni Claudine Barretto sa balitang nag-taping siya para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, dahil matagal nilang hinintay na muling mapanood ang aktres sa TV, lalo na sa ABS-CBN.

Claudine copy

Mabilis kumalat ang BTS ng taping ni Claudine sa episode na kasama niya si Jameson Blake, at kanya-kanya kaagad hulaan ang fans ni Claudine sa roles nila ni Jameson.

May humulang baka mag-ina ang role ng dalawa, at okay lang ito sa fans ni Claudine. Mas importante sa kanila na nagbalik-telebisyon na ang aktres.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tiyak silang may mga susunod pang project sa ABS-CBN si Claudine, doon na lang daw ito bumawi. In fact, ang request ng fans ni Claudine, bigyan na siya ng teleserye ng Kapamilya Network.

Samantala, kahit wala pa sa poder niya (dahil hindi pa niya ipinapakita), ibinibilang na ni Claudine na anak at bunso niya ang baby boy na kanyang in-adopt. Pinangalanan niyang Noah ang bagong anak sa kanyang post para sa kanyang mga anak: “I luv u Sab, Saint, Q & Noah. U kids are my life,” sabi ni Claudine.

-NITZ MIRALLES