OAKLAND, California (AP) — Suot ang retro jersey bilang pagbibigay-pugay sa naunang grupo ng prangkisa, nagtumpok si Stephen Curry ng 27 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa dominanteng 131-104 panalo kontra Los Angeles Lakers sa huling regular-season game sa Oracle Arena nitong Linggo (Lunes sa Manila).

UNAHAN sa pagkuha sa bola sina Donovan Mitchell (kaliwa) ng Utah Jazz at Kentavious Caldwell-Pope ng Los Angeles Lakers sa kainitan ng kanilang laro nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa NBA. AP

UNAHAN sa pagkuha sa bola sina Donovan Mitchell (kaliwa) ng Utah Jazz at Kentavious Caldwell-Pope ng Los Angeles Lakers sa kainitan ng kanilang laro nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa NBA. (AP)

Naitala ng Warriors ang ikalimag sunod na panalo at pormal na angkinin ang No.1 seed sa Western Conference.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 16 puntos at pitong assists para sa Warriors na nagdesisyon na isuot ang “We Believe” jerseys na gamit ng koponan noong 2007 kung saan huling nakausad ang Warriors sa playoff matapos ang 12 taon.

Iniladlad din ang banner na nagbibigay parangal sa 47 taon ng Oracle. Ililipat din ito para isabit sa bagong home court ng Warriors – ang Chase Center – sa San Francisco para sa susunod na season.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

“Let me just say that for 47 years, Warriors fans have stuck with us through thick and thin,” pahayag ni coach Steve Kerr. “Let’s be honest, most of those years have been a little thin.”

Nanguna si Landry Shamet sa Clippers na may 17 puntos, tampok ang limang three-pointer. Bumagsak ang Clippers sa No.7 katabla ng San Antonio sa Western Conference. Haharapin ng LA ang Utah Jazz para sa huling laro sa regular-season sa Miyerkules at posibleng magbalik sila sa Oracle para sa Game 1 ng first round playoffs.

Nagmintis si Draymond Green sa triple-double sa natipang 10 puntos, 10 rebounds at siyam na assists, habang tumipa si DeMarcus Cousins ng 12 puntos, siyam na rebounds at apat na assists.

BUCKS 115, HAWKS 107

Sa Milwaukee, balik aksiyon si Giannis Antetokounmpo at tila walang inindang injury sa nakubrang 30 puntos, habang umiskor si Khris Middleton ng 21 puntos laban sa Atlanta Hawks at angkinin ang ika-60 panalo sa regular season – kauna-unahan ng prangkisa mula noong 1981.

Tangan ng Bucks ang No.1 seed sa Eastern Conference at home court advantage sa kabuuan ng playoffs.

Kumana si Alex Len ng career-high 33 puntos sa Atlanta, naglaro na wala ang leading scorer na si Tray Young.

Hindi pa nakakalagpas sa opening round ang Milwaukee mula nang huling mamapasok sa Eastern Conference finals noong 2001.

Kabilang sa premyadong player ng 1980-81 Bucks team na tumapos sa markang 60-22 sa pangangasiwa ni coach Don Nelson ay sina Sidney Moncrief, Marques Johnson, Junior Bridgeman at Bob Lanier.

ROCKETS 149, SUNS 113

Sa Houston, kumana si James Harden ng 30 puntos sa loob lamang ng tatlong quarters at naitala ng Houston Rockets ang bagong NBA record 27 three-pointers sa panalo kontra Phoenix Suns.

Pinanginahan ni Eric Gordon ang pagsambulat ng Rockets sa long distance sa naisalpak na walo, habang may lima si Harden, apat kay PJ Tucker at tatlo kay Danuel House.

Napantayan ang record ng Houston sa tira ni Gary Clark at apat na sablay bago nabura ang marka sa tirada ni Austin Rivers may 1:09 ang nalalabi sa laro. Dalawang ulit nakapagtala ang Rockets ng 26 three-pointer ngayong season, huli’y laban sa Scaramento nitong Martes.

Hataw si Jamal Crawford sa Suns sa natipang 27 puntos mula sa bench.

MAGIC 116, CELTICS 108

Sa Boston, nasungkit ng Orlando Magic ang unang playoff berth sa nakalipas na pitong season matapos gapiin ang Boston Celtics.

Nagsalansan si Terrence Ross ng 26 puntos, habang tumipa si Nikola Vucevic ng 25 puntos at 12 rebounds at nag-ambag si Evan Fournier ng 24 puntos para sa Orlando (41-40). Nakumpleto rin ng Orlando ang regular season sweep laban sa Boston mula noong 1990-97 season.

Sa kabila ng kabiguan, nakamit ng Celtics (48-33) ang No.4 seed at home-court advantage sa first round playoffs.

Nanguna si Kyrie Irving sa Boston na may 23 puntos, habang umiskor si Al Horford ng 18 puntos at tumipa si Gordon Hayward ng 16 puntos mula sa bench.

Sa iba pang laro, naungusan ng Dallas Mavericks ang Memphis Grizzlies sa ovetime, 129-127; tinalo ng New York Knicks ang Washington Wizards, 113-110; sinilat ng Los Angeles Lakers ang Utah Jazz, 113-109; ginapi ng Portland TrailBlazers ang Denver Nuggets, 115-108 at pinaluhod ng New Orleans Pelicans ang Sacramento Kings, 133-129.