ALIW naman ang isang struggling actress na nagpapansin sa kanyang ex-boyfriend na aktor. Kung anik-anik kasi ang emote niya sa kanyang social media, na kesyo masaya naman siya sa bagong buhay ngayon ng ex.

Hindi naman nagre-react ang ex-boyfriend ng struggling actress, dahil nga totoong masaya siya sa nangyayari ngayon sa career at personal life niya, lalo’t suportado siya ng babaeng bago niyang pinagtutuunan ng pansin.

Ang ex-boyfriend na aktor ay mabango ang pangalan ngayon sa lahat, dahil bukod sa may movie project at may serye rin siya, at higit sa lahat, inspirado siyang magtrabaho ngayon dahil suportado siya ng mga katrabaho niya.

Ang ganda nga ng ngiti ngayon ng ex-boyfriend na aktor ni struggling actress, dahil sa tuwing may binabanggit na pangalan ng babae sa kanya ay kinikilig siya at halatang in love na.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Ito siguro ang ipinagmamaktol ng struggling actress, na noong itinutukso sila at bago pa lang sila ng ex-boyfriend niya ay wala siyang narinig na magagandang komento tungkol sa kanila, kundi puro negatibo.

-Reggee Bonoan