'Yung kinarir ng bisor mo ang ilang beses na pag-utot sa cubicle mo, makumbinse ka lang na mag-resign. Bullying?

Bullying

Pinag-aaralan ng Court of Appeal ng Australia kung maaaring ikonsiderang bullying ang pag-utot, matapos idemanda ng isang engineer ang dati niyang employer dahil sa pagpayag nitong i-harass siya ng kanyang supervisor sa iba’t ibang paraan, kabilang ang laging pag-utot sa kanya, upang mag-resign siya.

Sa pagbabahagi ng Oddity Central, humihingi ng danyos na 1.8 milyong Australian dollar ang 56-anyos na si David Hingst sa Construction Engineering, ang kanyang dating employer.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Sa pagdinig sa kanyang kaso, iginiit ni Hingst na isang “serial farter” ang kanyang dating katrabaho na si Greg Short, at paulit-ulit siyang binu-bully sa pamamagitan ng pag-utot nito.

Ayon sa engineer, madalas bumisita sa kanyang maliit at ‘windowless’ na opisina si Short, at ilang bases na uutot sa buong araw, na nagdudulot umano sa kanya ng “serious psychological stress.”

Bagamat hindi bullying ang naging desisyon ng hukom sa kaso, inapela ni Hingst ang desisyon at sinabing hindi naging patas ang hukom.

“I would be sitting with my face to the wall and he would come into the room, which was small and had no windows,” pahayag ni Hingst. “He would fart behind me and walk away. He would do this five or six times a day.”