DEAR Manay Gina,

Magkasundo kami ng aking kasintahan sa maraming bagay, at gusto kong siya na ang makatuluyan. Ang problema ko lang, parang hindi pa siya handang magpakasal samantalang ako ay naiinip na. Mas matanda siya ng sampung taon sa akin at hiwalay sa unang asawa habang ako naman ay nasa mid-30s na.

Ano kaya ang dapat kong gawin: Maghanap ng iba na ready akong pakasalan o kaya’y maghintay na lang sa kanyang matamis na proposal?

Violy

Dear Violy,

Marahil, napaso ang nobyo mo sa unang relasyon kaya siya ganyan. Kung sa paniwala mong mas mabuti pang maging nobya ng lalaking ito kaysa maging asawa siya ng iba, hintayin mo na lamang kung kailan niya maiisip na magpakasal. Pero tutal naman ay nagmamahalan kayo, sabihin mo sa kanya ang iyong plano at pag-usapan n’yo ang inyong kinabukasan. Some men need to be encouraged.

Nagmamahal,

Manay Gina

“One of the illusions of life is that the present hour is not the critical, decisive hour. Write it on your heart that every day is the best day in the year. No man has learned anything rightly, until he knows that every day is Doomsday.”

--- Ralph Waldo Emerson

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia