UMALIS na ang isang sexy actress sa kanyang management company dahil hindi naman daw siya naaalagaang mabuti pagdating sa movie projects. Puro so-so lang kasi ang role niya, kumpara sa mga ka-batch niya na binibigyan ng lead role.

Wala lang kaming ideya kung nakailang taon ang sexy actress sa management company niya, at kung tinapos niya ang contract niya o hindi, dahil parang kailan lang siya pumirma ng kontrata tapos heto wala na pala siya.

Kuwento ng taong malapit sa sexy star: “May mga movie project siya, pero hindi naman magaganda ang role niya. ‘Yung isa ginawa lang siyang support, tapos hindi pa maganda ang itsura niya. Buti pa do’n sa isang pelikulang isinali sa film festival marami siyang exposure at linya.”

K a y a n g a y o n , l a h a t n g gustong kumuha sa sexy actress ay dumidirekta na sa kanya sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Isa pang dahilan ng pag-alis a y nalaman ni (sexy actress) na ang sinisingil na talent fee ng manager niya ay sobrang laki, na tipong 20% lang ang napupunta sa kanya (sexy actress).

“Kaya hanggang ngayon, walang masyadong ipon ‘yan (sexy actress), considering na marami-rami naman siyang shows out of town at marami siyang serye.

“‘Yung kasabayan niya na iisa lang ang serye, puro branded ang bags at bongga ang mga sasakyan. Siya lumang modelong kotse at nakikisabay pa minsan sa service ‘pag malayo ang location ng shooting o taping niya.”

Hirit namin, baka naman kasi kuripot si sexy actress kaya hindi gaanong gumagamit ng branded bags at magagarang sasakyan.

“Kung may pambili man siya, hindi niya uunahin ang kapritso, lalo’t ang pambili ay galing sa pagpupuyat at pagod sa set,” sabi pa ng aming source.

-Reggee Bonoan