Nasa 14 na katao ang napatay at 14 na iba pa ang inaresto sa serye ng operasyon ng pulisya na “Oplan Sauron”, sa Negros Oriental.

KILLED

Ayon sa Police Regional Office (PRO)-7, nanlaban umano ang mga napatay nang isilbi ng awtoridad ang mga search warrant nitong Huwebes laban sa ilang residente na hinihinalang nag-iingat ng mga baril sa kani-kanilang bahay.

Sinabi ng PRO-7 na 34 sa 36 na search warrants na ipinatupad ay nagpositibo.

Nasa 1,000 tauhan ng BFP, sangkot sa ilegal na bentahan ng fire extinguisher!

Napatay sa umano’y engkuwento sina Steve Arapoc, Manulo Martin, at Sonny Palagtiw, ng Barangay Pansiao, bayan ng Manjuyod; Edgardo Avelino at Esmael Avelino, ng Bgy. Panubigan, Canlaon City; Ricky Remono at Rogelio Recomono, ng Bgy. Masulog, Canlaon; Genes Palmares, ng Bgy. Aquino, Canlaon; Eric Acabal, ng Bgy. Kundabong, Manjuyod; Ano Enojo Repada, ng Bgy. San Pedro, Sta. Catalina; Melchor Panares at Mario Panares, ng Bgy. Bayog, Canlaon; at Franklin Lariosa, ng Bgy. Talalak, Sta. Catalina.

Anim namang target ng search warrants ang nakatakas, ayon sa PRO-7.

Nasugatan naman sa binti si Corporal Ian Puerto, ng Regional Mobile Force Battalion 7, sa kasagsagan ng bakbakan.

Nasamsam naman sa serye ng operasyon ang mga baril, granada, at iba’t ibang bala.

-Calvin D. Cordova