Tinutugis na ng pulisya ang isang lalaking naging viral sa social media ang pagpapalabas nito ng maselang bahagi ng katawan sa harap ng dalawang babaing pasahero ng isang jeep sa Pulilan, Bulacan, nitong Marso 20.

EXHIBITIONIST

Ayon sa babaing uploader, nakasakay siya sa isang jeep na biyaheng Pulilan sa naturang lalawigan at nang tatlo na lamang silang pasahero, kabilang ang isa pang babae ay panay umano ang tingin sa kanila ng hindi nakikilalang lalaki na isa ring pasahero.

Aniya, tila may kinakamot ang lalaki sa bahagi ng suot nitong pang-ibaba hanggang sa bigla umanong lumitaw ang kaselanan nito na agad namang kinunan ng biktima.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Habang bumababa aniya ang lalaki sa jeep ay binugahan niya umano ito pepper spray.

Agad na ini-report ito ng biktima ang insidente sa Barangay Longos at ibinigay din nito ang kopya ng video.

Sa update ng biktima sa kanyang Facebook account, nakilala na umano ang lalaki at ito ay taga-Baliuag sa nasabing lalawigan.

Kaugnay nito, nanawagan din si Pulilan Municipal Police deputy commander, Capt. Reginal Turla, sa iba pang naging biktima na magsampa ng reklamo sa kanilang tanggapan laban sa nasabing lalaki na pinaghahanap na ng mga awtoridad.

-Fer Taboy