Limang katao ang nasawi nang mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, nitong Lunes ng gabi.

BUS_ONLINE

Sa ulat mula sa Aksyon Radyo Bacolod, nawalan ng control ang driver ng Ceres bus at nahulog sa bangin sa kahabaan ng Barangay Igmaya-an, pasado 9:00 ng gabi.

Kasalukuyang kinikilala ang mga nasawi at nasugatan. Sa impormasyon mula sa Don Salvadaor Benedicto police, mayroong nakaligtas sa naturang insidente, kabilang ang driver at konduktor.

Ang bus, na pag-aari ng Vallacar Transit, ay mula sa from San Carlos City at patungong Bacolod City nang maganap ang insidente.

National

UN Sec-Gen. Guterres, pinuri Pilipinas sa promosyon ng peace, democracy sa bansa

-Tara Yap at Fer Taboy