NAGWAGI ang Team Philippines ng siyam na ginto, walong silver at tatlon bronze medal sa Special Olympics World Games kamakailan sa United Arab Emirates, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs.

Dumating sa bansa ang delegasyon nitong Sabado sakay ng Etihad Airways EY 424.

Ang delegasyon ng bansa ay pinangunahan ni Delia Ortega, National Board Presidente ng Special Olympics Philippines,na binubuo ng 19 officials/coaches at 39 atleta sa mga sumusunod na kompetisyon:Aquatics,Athletics,Badminton,Bocce,Bowling,7-A-Side raditional Football,Futsal,Rhytmic Gymnastics, at Powerlifting.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Middle East,naging host ang Abu Dhabi sa Special Olympics World Games-ang pinakamalaking sports at humanitarian event para sa mga atleta na may intellectual disabilities.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabuuang 7,500 atleta mula sa 190 bansa ang lumahok sa World Games.

Si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed Bin Zayed Al Nahyan at ng Deputy Supreme Commander ng UAE Armed Forces ang siyang nanguna sa mga palaro at makulay na opening ceremony sa Zayed Sports City Stadium nitong Marso 14.

-Bella Gamotea