Nasukol at tuluyan nang nabawi ang huling pinagkukutaan ng ISIS. Lahat ng diehard terrorists, patay!

ISIS NO MORE Itinaas ng US-backed Syrian Democratic Forces ang dilaw nilang watawat sa huling pinagkutaan ng Islamic State sa Baghouz, silangang Syria, bilang simbolo ng tuluyang pagkakadurog sa “caliphate” ng teroristang grupo. AFP

ISIS NO MORE Itinaas ng US-backed Syrian Democratic Forces ang dilaw nilang watawat sa huling pinagkutaan ng Islamic State sa Baghouz, silangang Syria, bilang simbolo ng tuluyang pagkakadurog sa “caliphate” ng teroristang grupo. AFP

Kinumpirma ng Kurdish-led forces na natuldukan na sa wakas ang halos limang taong “caliphate” ng Islamic State, makaraang mapatay ang lahat sa huling grupo ng mga terorista sa huling kuta ng mga ito sa silangang bahagi ng Syria.

Itinaas ng puwersa ng Syrian Democratic Forces (SDF), na suportado ng Amerika, ang kanilang dilaw na watawat sa Baghouz, ang liblib na riverside village kung saan sama-sama at desperadong nagkuta ang mga natitirang jihadists mula sa iba’t ibang panig ng Syria.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Tinapos ng SDF ang delikadong anim na buwan nitong operasyon laban sa mga natitirang naninindigan sa IS caliphate, na dating nakasasakop sa malawak na lupang tumatagos sa hangganan ng Iraq at Syria, at nakakokontrol sa nasa pitong milyong katao.

Pinuri ng world leaders ang nasabing pagtatagumpay—ang pinakamalaki—kaugnay ng ilang taong pagsisikap na malipol ang IS at ang ideyolohiya nito, subalit nagbabalang hindi ganun kadaling gapiin ang teroristang grupo na ilang taon ding naglunsad ng serye ng global terror attacks.

“Syrian Democratic Forces declare total elimination of so-called caliphate and 100 percent territorial defeat of ISIS,” saad sa pahayag ni Mustefa Bali, tagapagsalita ng SDF, tinukoy ang isa pang acronym ng grupo, ang Islamic State of Iraq and Syria.

Pinuri naman ni US President Donald Trump ang nasabing kumpirmasyon pero nangakong mananatiling alerto at “vigilant” dahil sinabi ng military coalition na pinangungunahan ng Amerika na ang laban kontra IS “is far from over”.

AFP