Very sad news para sa LeBron fans.

LeBron James (AFP, file)

LeBron James (AFP, file)

Sa unang pagkakataon sa nakalipas na 14 na taon, hindi makakalaro sa playoffs ang legendary NBA superstar na si LeBron James nang matalo ang Los Angeles Lakers, 111-106, sa Brooklyn Nets nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas).

Nabalahaw din ang walong taong paglalaro ng four-time league MVP sa NBA finals dahil sa kulelat na record ng Lakers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bumuslo si James ng 25 points, 14 assists, at may siyam na rebounds, pero hindi pa rin ito naging sapat.

Ang huling beses na nasa postseason ang pinakamahusay na NBA player ay noong 2004-2005, sa ikalawang season niya sa Cleveland Cavaliers.

Reuters