‘Sprint Prince and Princess’ sina Muñoz at Ruto; Mojdeh, nagwalis sa pool

CITY OF ILAGAN, Isabela –- Pinatunayan ni Micaela Jasmine Mojdeh ang kahandaan para sa pagdepensa ng korona sa Palarong Pambansa nang kompletuhin ang five-event sweep sa swimming competition, habang tinanghal na ‘Sprint Prince and Princess’ sina Justin Angelo Muñoz ng Pangasinan at Erika Marie Ruto ng Calamba City sa pagpapatuloy ng aksiyon kahapon sa 2019 Batang Pinoy Luzon leg sa City of Ilagan Sports Complex.

volley3 copy

Tulad ng inaasahan, nadomina ni Mojdeh ng Team Paranaque ang huling event na 200m butterfly sa tyempong 2:25.74 para walisin ang limang event at pantayan ang nakamit na limang gintong medalya ng kasanggang si Mark Bryan Dula – hinasa ng Philippine Swimming League (PSL) -- sa grassroots sports programa ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa kabataan, maging out-of-school youth na may edad 13 pababa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginapi ng pambato ng Immaculate Heart of Mary College sina Mariah Genara Ubaldo ng Laguna Province (2:38.88) at Maglia Jaye Dignadice ng Puerto Princesa City (2:43.69).

Nauna nang nasubi ni Mojdeh ang gintong medalya sa 100 meter butterfly (1:06.30), 50m butterfly (30.44), 200m Individual Medley (2:34.91) at 400m IM (5:25.11).

“Masaya po ako na na sweep ko lahat ng events ko. Ang sabi po sakin ni coach Susan mag enjoy lang ako at mag swim for a win and no pressure on a target time. Kaya nag enjoy lang po ako kahit mejo mainit talaga po. Maraming salamat po sa mga coaches ko at parents ko sa pagtulong nila sakin makuha ang 5 golds,” pahayag Ng 12- anyos na di Mojdeh na sumabak sa 13-15 girls category.

Bago Ang Batang Pinoy, huMakot ng anim na ginto si Mojdeh sa kompetisyon sa Japan.

Bukod Kay Mojdeh, at sa kanyang kakampi na si Dula, limang gintong medalya din ang ibinulsa ng pambato ng Cainta na si Aubrey Tom matapos magwagi sa 50m freestyle event kamakalawa.

Naitala Ng 12-anyos na si Tom ang 29.46 Segundo sa orasan sa 50m freestyle matapos na isubi Ang mgabgintong medalya sa mga events na 200m IM girls 12- under, 100m free, 50m backstroke at 100m IM noong unang araw ng swimming event.

Kinailangan na ilang beses rebisahin ang photo finish na labanan sa girls 100m dash upang tuluyang ungusan ng 14- anyos na si Ruto ang kanyang nakalaban na sina Kyla Elona ng Laguna Province at Reah Bacani ng host Ilagan City para sa kanyang unang gintong medalya sa multi-sports na torneo para sa kabataang atleta 15-anyos pababa.

Pitik ng segundo lamang ang naghiwalay kina Ruto na itinala ang tiyempo na 12.6 segundo para sa ginto habang si Elona ay may 12.8 segundo para sa pilak. Ikatlo si Bacani na mayroon naman na 12.9 segundo.

“First time ko po manalo ng gold,” sabi ng Grade 9 sa Canlubang Integrated School na si Ruto. “Pangatlo lang po ako sa Vigan sa 100 saka 400m. Fourth po ako sa 200m,” ayon pa kay Ruto, na sumali sa Batang Pinoy upang mas makapaghanda sa nalalapit nitong pagsabak sa 2019 Palarong Pambansa na gaganapin sa Davao City.

“Gusto ko po matularan si Lydia De Vega at Elma Muros,” sabi pa ng kalagitnaan sa limang magkakapatid at dating volleyball player na si Ruto. “Dati po kami naglalaro ng ate ko na school journalist pero mas nagustuhan ko athletics.”

Nakabawi naman ang 14- anyos mula San Carlos City, Pangasinan na si Muñoz sa kanyang pagkakamali sa huling sinalihang regional qualifying meet sa pagwawagi sa una niyang gintong medalya sa kompetisyon.

“First time ko po sa Batang Pinoy,” sabi ng Grade 8 sa Virgen Milagrosa University na si Muñoz. “Pinasali po kami ni coach para mas matuto at masanay sa laro. Nabawi ko ang mistake ko kasi na-disqualify ang team namin dahil sa akin sa early takeoff ko sa regional,” sabi pa ni Muñoz. “Kasama ko po si Lord na nanalo,” sabi pa nito.

Nakadalawang ginto naman ang kakampi nito sa Pangasinan na si Rufo Aidan Raguine matapos na walisin ang mga ginto sa long jump at triple jump. Itinala ni Raguine ang 6.63m sa long jump habang 13.28m naman sa triple jump.

Dalawang ginto din ang nakuha ni Janine Ladina ng Zambales Province sa pagwawagi nito sa girls discus throw sa inihagis nito na 29.82m at javelin throw sa 34.23m.