Tinatayang aabot sa P59 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa Zamboanga City sa loob ng nakaraang tatlong buwan.
Sinabi ni Senior Insp. Shellamae Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), naging matagumpay ang kanilang kampanya kontra-droga sa naturang lungsod.
Aniya, ang nasabing droga ay aabot sa 8.78 kilo na nagkakahalaga ng P59 milyon.
Ayon sa kanya, ang mga nasabat na iligal na droga ay resulta ng sunud-sunod na anti-illegal drugs operation ng 11 police stations ng ZCPO.
Sa rekord ng pulisya, nakapagsagawa sila ng 214 na buy bust operations na nagresulta sa pagkakadakip ng 272 drug personalities.
Hindi pa aniya kasama sa nasabing bilang ang 131 na plastic sachet na nasamsam sa kanilang operasyon noong Marso 10-16 .
-Fer Taboy