MAY aabangan na ring pelikula ang fans ni Kyline Alcantara dahil siya ang bibida sa pelikulang Black L i p s t i c k n g O b r a Productions. Sa direksyon n i Julius Alfonso, leading man ni Kyline si Manolo Pedrosa na kapareha rin ni Kyline sa hit Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw na Bituin.

Kyline

Leading man din ni Kyline sa Black Lipstick si Migo Adecer na nasa cast naman ng Sahaya. Kasama rin sa cast si Snooky Serna na gaganap na ina ni Kyline at right choice ito dahil ang Black Lipstick ay ang millennial version daw ng B l u s a n g Itim na ginawa at pinagbidahan n i Snooky noong 1986.

Nasa cast din sina Kate Valdez, James Teng, Angel Guardian, Nella Dizon, at Angeli Nicole Sanoy.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang sabi, after Holy Week na sisimulan ang launching movie ni Kyline na ngayon pa lang, nangako na ang Sunflowers (fans) ni Kyline na kanilang susuportahan.

Nagpasalamat naman si Kyline kay Snooky dahil sa good words na sinabi nito tungkol sa kanya. Paulit-ulit na ‘thank you” at “salamat po” ang nasabi ni Kyline.

Samantala, naaawa kay Kyline ang viewers ng Inagaw na Bituin dahil lagi na lang siyang inaaway at sinasabunutan ni Therese Malvar. Idagdag pa na inaaway din siya nina Angelika dela Cruz at Lyn Cruz na gumaganap namang tiyahin ni Kyline. Nangigigil na ang viewers kay Therese na ibig sabihin, parehong mahusay na aktres ang dalawa.

-Nitz Miralles