BUKAS na ang pagpapatala para sa ika-14 season ng San Beda basketball camp.

Magsisimula ang session sa April sa Mendiola at Taytay campus at ang mga interesadong campers ay inaaanyayahan na makiisa sa premyadong basketball camp sa bansa. Maaaring makipag-ugnayan kina Oliver Quiambao (735-6011), local 2104, at 0929-1971071, at kay camp organizer Edmundo Badolato (0908-8624543)

Pangangasiwaan ang camp ng mga coach ng San Beda at bukas para sa batang lalake at babae.

Nakatakda ang camp sa Mendiola campus sa Abril 4 hanggang Mayo tuwing Lunes at Huwebes ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Ilalarga naman ang session sa Taytay, Rizal campus sa Abril 5 hanggang Mayo 3 tuwing Martes at Biyernes ganap na 8:00 hanggang 11:00 ng umaga.

May bayad na P4000 para sa campers, habang ang package deal na P7000 para sa buong Abril at Mayo na camp session. Makakatanggap din ang mga campers ng San Beda jersey at Molten ball.

Magsasagawa rin ng 3x3 tournament sa huling araw ng camp kaloob ng Molten balls at Gatorade.