Arestado ang anim na estudyante, gayundin ang dalawang supplier, sa buy-bust operation ng Quezon City Police District –Drug Enforcement Unit (QCPD-DEU) sa Barangay Greater Lagro, sa Quezon City, iniulat ngayong Miyerkules.

(AP Photo/Jeff Chiu)

(AP Photo/Jeff Chiu)

Kinilala ni QCPD director, Police Chief Supt. Joselito T. Esquivel ang mga inaresto na sina Mark Stephen Gumayao, 21; Orlando Porganan, 18; at Mario Castro, 19, pawang taga-Caloocan City; ang umano’y supplier na si Oliver Barbin, 21, ng San Mateo Rizal; kasama niyang si Shiela Barbano, 20, ng Caloocan City; at isang 16 anyos.

Sa report ni PCI Edward B. Cantano, inaresto ang mga suspek sa loob ng isang hotel sa Quirino Highway, Bgy. Greater Lagro, Quezon City, dakong 9:00 ng gabi.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Isinagawa ang operasyon makalipas ang isang linggong pagmamanman sa mga estudyante nang malaman na umaangkat ang mga ito ng marijuana kina Oliver at Shiela.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang kilo ng umano’y marijuana, drug paraphernalia, kotse, at drug money.

Nakapiit ang mga suspek sa DDEU at kinasuhan sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

-Jun Fabon