Mahigit 300 na ang naitalang measles death sa bansa, iniulat nitong Miyerkules ng Department of Health (DoH).

TIGDAS_ONLINE

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Epidemilogy Bureau (EB) ng DoH, simula

Enero 1 hanggang Marso 14, 2019 ay 315 na ang naitalang namatay dahil sa tigdas.

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Ito ay kabilang sa kabuuang 21,396 measles cases na naitala sa bansa sa nasabi ring panahon.

Mas mataas ito sa 4,417 kaso at 43 patay na naitala ng DoH sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Ayon sa DoH, pinakamaraming naitalang measles cases at death sa Region 4A o Calabarzon region, na umabot sa 4,401 kaso at 87 patay; kasunod ang National Capital Region (NCR), 4,266 kaso at 85 patay; at Region 3 o Central Luzon, 3,409 kaso at 52 patay.

Nabatid na karamihan sa mga nasawi ay nasa edad 1-4, na umabot sa 6,180 o 29%; sinundan ng siyam buwang gulang pababa, 5,432 o 25%.

Sa mga nasawi, 12,756 o 60% ang hindi nabakunahan; 1,107 naman o 5% ang nabigyan ng isang dose ng bakuna; 446 o 2% ang nabigyan ng dalawa o higit pang bakuna; habang 3,486 o 16% naman ang hindi batid ang vaccination status.

-Mary Ann Santiago