Ipinag-utos ng Ombudsman na ibalik ang tatlong executives sa lokal na pamahalaan ng Guimbal, Iloilo matapos silang maling patalsikin sa serbisyo.

May kopya ang BALITA ng desisyon ng Ombudsman na ipinababalik sa tungkulin sina Lorenzo Genodepa, municipal agriculturist; Ma. Asuncion Isabel Gargalicano, municipal treasurer; at Rebecca Genzon, officer-in-charge of accounting.
Inaprubahan ni Ombudsman Samuel Martires ang pagbaliktad sa July 2017 ruling, na naghahatol sa tatlo na guilty sa grave misconduct dahil sa pagkakasangkot nila sa umano’y fertilizer scam.
Sa pagpapabalik sa tungkulin, sinabi ng mga abogadong sina Noel Palomado at Emmanuel Brotarlo na ang tatlo ay muling pasusuweldohin at bibigyan ng iba pang benepisyo.
-Tara Yap