Walang opisyal mula sa Department of Public Works and Highways na nagso-solicit para may pambili ng lechon.

LECHON_ONLINE

Sa isang advisory, binalaan ng ahensiya ang mga empleyado, opisyal, contractor, consultant, supplier, at ang publiko na walang sinuman sa ahensiya ang awtorisadong mag-solicit.

Napag-alaman na ang pangalan ni Western Visayas Regional Director Wenceslao Leaño, Jr. ay ginamit upang makahingi ng pera sa iba’t ibang contractor upang isponsoran ang lechon para sa partikular na aktibidad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Please be advised that no individual or organization are authorized to use name of any DPWH official for favor," ayon sa regional office.

"Please be vigilant in giving out information especially contact numbers of our colleagues to avoid similar incidents," dagdag nito.

Betheena Kae Unite