Bukod sa 20 na saksak sa katawan at pagbalat sa mukha nito, nawawala rin ang ibang laman-loob ni Christine Lee Silawan, ang 17-anyos na biktima ng panggahasa at pagpatay ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City, nitong Lunes ng madaling araw.

RAPE-SLAY VICTIM images (2)

Ito ang kinumpirma ni Dr. Benjamin Lara, hepe ng medico-legal office ng PNP-Crime Laboratory sa Central Visayas at sinabing nawawala rin ang lalamunan at dila ng biktima.

“Other than her face was skinned, we noted in our examination that her trachea and the esophagus were missing. The musculature at the right side of the neck was also ripped off so the cervical vertebrae can already be seen. Aside from that, her tongue is also gone,” ayon sa kanya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, hindi sigurado si Lara kung ang mga suspek ang kumuha ng mga ito dahil marami rin aniyang gumagalang hayop sa lugar kung saan nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Kaugnay nito, nag-alok na ng P1 milyong pabuya si Lapu-Lapu City Mayor Paz Radaza sa ikatutukoy at ikaaaresto ng mga suspek sa krimen.

Ayon sa Police Regional Advisory Council na nag-alok din ng P100,000 pabuya kamakailan, layunin lamang ng alkalde na mapadali ang paglutas sa nasabing karumal-dumal na krimen.

Inilabas ni Radaza ang pabuya kasunod na rin ng pagbisita nito sa pamilya ng biktima kung saan tiniyak nito gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya sa ikalulutas ng kaso.

“She told me not worry about the expenses because the city will shoulder everything,” ayon kay Lourdes, ina ng bikitima.

Kaugnay nito, inamin naman ni Senior Supt. Lemuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office na tatlong lalaki ang patulog na tinutugis ng kanilang mga tauhan na sinasabing nasa likod ng kalunus-lunos na krimen.

“My instruction to my men is to get them alive as much as possible. I hope I can tell everything now like why and who killed Christine but we have to withhold some information so as not to hamper our operations,” sabi nito.

Tumanggi muna ito na ilantad ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang hindi mabulilyaso ang isinasagawang operasyon.

Plinano rin aniya ang isinagawang krimen at duda rin ito kung imay relasyon ang biktima sa isa sa mga suspek.

Sinusubaybayan din aniya ni Pangulongf Rodrigo Duterte ang kaso. Aminado rin ito na ilang beses na siyang nakatatanggap ng tawag mula sa Office of the President kaugnay ng nabanggit na kaso.

-Calvin D. Cordova