Nasa 286 na sa kabuuang 18,553 kaso ng tigdas sa bansa ang binawian na ng buhay dulot ng kumplikasyon, iniulat ng Department of Health (DoH).

(Czar Dancel)

(Czar Dancel)

Ayon sa DoH, ang naturang bilang ay naitala simula Enero 1 hanggang Marso 7, 2019.

Labis umanong mas mataas ang naturang bilang kumpara sa 39 na namatay sa kabuuang 3,829 kaso na naitala nila sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

National

Walang Pasok: Class suspension para sa Miyerkules, Marso 5

Nabatid na pinakaapektado ng sakit ay mga batang nasa isa hanggang apat na taong gulang.

Pinakaraming naitalang biktima ng tigdas sa Calabarzon na nasa 4,087; kasunod ang National Capital Region (NCR), 3,850; at Central Luzon, 2,840.

Sa NCR naman naitala ang pinakamaraming bilang ng namatay dahil sa sakit na umabot sa 82; sumunod ang Calabarzon, 80; at Central Luzon, 43.

Patuloy ang pagsisikap ng DoH na masugpo ang kaso ng tigdas sa bansa sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga bata.

-Mary Ann Santiago