NAKAPAGTALA si Philippines’ chess wizard Alexandra Sydney Paez ng magkasunod na tabla sa pagpapatuloy ng 2019 National Age-Group Chess Championships (NAGCC)- Luzon Leg na ginaganap sa Pacific Mall sa Legazpi City, Albay.

Suportado nina Cabuyao City, Laguna Mayor Rommel A. Gecolea, Cabuyao City Chess Club, Jolly Smile Dental Clinic at ng Colegio de San Juan de Letran Calamba si Alexandra Sydney ay nakipaghatian ng puntos kontra kina Jonah Kris Llantino ng Dasmariñas, Cavite sa third round at kay Oryza Reign Repato ng Cabuyao City, Laguna sa fourth round.

Ang grade 9 student ng Colegio de San Juan de Letran Calamba na si Alexandra Sydney ay napatas ang kanyang record sa 3.0 points at makisalo sa 2nd hanggang 7th places kasama sina Josemier Jene Panol, Ella Krizia Mendoza, Ledj Jannalyn Barcenas, Janneth Mercader at Rohanisah Buto.

Una munang dinaig ni Alexandra Sydney si General Trias City, Cavite bet Jeanelle Cabatian sa first round at kasunod na pinatumba si local bet Deanne Clarice Bea sa second round.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagpakitang gilas din si Ruth Joy Vinuya ng Ilagan, Isabela na miyembro sa star-studded GM Jayson Gonzales Far Eastern University chess team matapos niyang gibain si Josemier Jene Panol sa fourth round para makopo ang solo leadership board sa Girls Under 16 na may perfect 4.0 points sa four outings sa event na nagsilbing punong abala si Legaspi City mayor Noel Rosal.

Ang Top three (3) ay uusad sa Grand Finals. Ang Top three (3) sa Grand finals naman ay makakakuha ng tiket patungo sa 20th Asean Chess Age-Group Chess Championships na gaganapin sa Malanday, Myanmar sa Hunyo 9 hanggang 19.