NABAGO pala ang paniniwala ni Mikee Quintos sa paggawa ng mga teleserye. Ilang teleserye na rin naman ang nagawa niya, pero hindi tulad nitong family drama na Onanay.

Mikee

“Dati po kasi, para sa akin, sobra naman ang mga eksenang ginagawa sa isang teleserye, totoo bang nangyayari iyon sa tunay na buhay?” sabi ni Mikee sa set visit namin sa Onanay.

“Pero nang napapanood na ang Onanay, maraming nagte-text sa akin na nakaka-relate daw sila sa character ko bilang si Maila, na tinitiis niya sa simula pa ng story kung paano siya i-treat ng kanyang ina na hindi siya matanggap dahil bunga siya ng isang rape. Kahit nang magkaunawaan na sila ng kanyang ina, hindi pa rin nawawala na mas kinakampihan ng ina ang isa pa niyang kapatid, si Rosemarie (Kate Valdez).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Pero sa pagganap ko po ng role ni Maila, na-explore ko ang craft ko at ipinagpapasalamat ko ito sa mga nakasama ko sa teleserye. Sina Nanay Nora (Aunor) at Ms. Cherie (Gil) ang nagbigay sa akin ng mga pointers sa simula pa lang na nagkasama-sama kami.

“Si Nanay Nora ang sabi niya sa akin always be professional, trust yourself na kaya mo ang role. Si Ms. Cherie, sabi niya sa akin always be prepared sa bawat eksenang ibigay sa akin.”

Kaya ngayong nasa final week na sila simula ngayong Monday, March 11, may separation anxieties na silang nararamdaman. Nakabuo raw kasi sila ng bagong friendship sa loob ng more than eight months silang halos araw-araw na magkakasama.

“Sayang nga po na namatay ang character ni Tito Gardo Versoza as my Lolo Dante at si Ninang Sally (Rochelle Pangilinan) naman ay inabot na ng panganganak bago natapos ang soap namin. Lahat po kasi, naging isang big family na sa set.”

Last week ay nalaman na ni Maila na si Lucas (Wendell Ramos) ang nang-rape sa nanay niyang si Onay (Jo Berry) at siya ang naging bunga ng rape na iyon.

Kung si Mikee ang tatanungin, ano ba ang gusto niyang ending happy or sad ending?

“Siyempre po gusto ko ng happy ending dahil gusto kong makitang masaya ang nanay ko, pero ayaw ko rin namang malibre sa batas si Tatay Lucas, dapat panagutan niya ang kasalanang ginawa niya. Pero hindi ko pa po alam kung paano magwawakas ang story namin,” sabi ni Mikee.

Magtatapos na ang Onanay sa Biyernes, after ng Kara Mia.

-Nora V. Calderon