Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng New People's Army (NPA) na sumuko na at tumulong sa pamahalaan sa ikatatagumpay ng land reform program nito.
Sa talumpati ng pangulo sa isinagawang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa Negros Occidental, sinabi nito na kung ang China ay maglunsad ng pag atake, ang mga NPA ang unang matatalo.
"The mountains will be blown to pieces with just one missile. There will be no burials because if the moment you get hit, wala na. Where will we look for your body parts? That is why you will never ever win. I have told you before that you will never win in anything. You will just keep on killing and terrorizing people. That is the only thing that you agree on," babala nito.
Bininigyan-diin din ni Duterte na ang kanyang trabaho ay ang mamuno sa bansa at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa, kaya ang mahigpit na kautusan nito ay ang "shoot to kill for those who are armed."
"Because if I don’t do that, it will take an even longer time for us to finish this. It would be better if you drop your guns and talk. Let’s talk about how we’re going to distribute the lands. Marami pa bang lupa ang gobyerno diyan? May lupa pa ba na puwede nating --- gobyerno, dito," paki-usap pa ng pangulo.
-Beth Camia