Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga individual at corporate taxpayers na mag-file na ngayon ng kani-kanilang 2018 income tax returns (ITR) at huwag nang hintayin pang maabutan ng deadline.

ITR

Binigyang-diin din ng mga opisyal ng BIR na hindi na palalawigin pa ng kawanihan ang deadline sa Abril 15, at sisingilan ng interests at surcharges ang mga huli na makapagpa-file ng ITR.

Ito ang tiniyak sa paglulunsad ng Quezon City revenue region tax campaign upang makakolekta ng P179 bilyon ngayong taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi rin ni Quezon City Revenue Regional Director Romulo Aguila, Jr. na ang mga propesyunal, tulad ng mga doktor, ay obligado pa ring maghain ng kanilang ITR.

Kinailangang magpaliwanag ni Aguila upang ituwid ang misconception na hindi na kailangan pang mag-file ng ITR ng nasabing grupo ng mga taxpayers kung hindi umaabot ang taunang kita ng mga ito sa bagong tax exemption threshold na P250,000, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

-Jun Ramirez