Ikakasal na si Jennifer Lopez!

JLO

Iniulat ng People na engaged na ang singer sa dating MLB player na si Alex Rodriguez, at proud itong inihayag ng huli sa Instagram nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).

“She said yes,” caption ni Alex, 43, sa hawak niyang kaliwang kamay ni JLo, 49, habang suot ang higanteng diamond engagement ring.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nai-share rin ni Jennifer ang kaparehong litrato sa kanyang IG, at may walong heart emojis ang kanyang caption.

Kinumpirma ni Benny Medina, long-time manager ni Jennifer, ang good news, habang sinabi naman sa People ng kinatawan ni Alex na si Ron Berkowitz: “They are on vacation and got engaged today.”

Ayon sa source ng People, nag-propose si Alex kay Jennifer habang nagbabakasyon ang dalawa sa Bahamas.

Pumutok ang balita mahigit isang buwan makaraang ipagdiwang ng magkasintahan ang kanilang two-year anniversary nitong Pebrero 3.

“You make my world a more beautiful safe and stable place … in the midst of our ever-changing, ever moving life,” caption ni Jennifer sa kanyang post para sa nasabing okasyon.

“We are meant to be, and how much you mean to me cannot be put into words,” post naman ni Alex.

Pawang malalapit na sa isa’t isa ang mga anak nina Jennifer at Alex. Si JLo ay may 11-anyos na kambal sa dating asawang si Marc Anthony, sina Maximilian David at Emme Maribel, habang may dalawang anak na babae naman si Alex, sina Ella Alexander, 10; at Natasha Alexander, 14.