NAG-delete ng kanyang accounts sa Facebook at Twitter si Juan Karlos “JK” Labajo dahil patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng pambabatikos kaugnay ng nag-viral na video nang magmura siya habang nagpe-perform.

JK Labajo

Sa kanyang Instagram post, kinumpirma ni JK na nagbawas siya ng social media accounts.

“Dinelete ko Twitter and FB ko kasi masyado maraming mga ano dun… mga… ano. So ito na Twitter ko. Thnx,” post ni JK sa IG.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Nag-repost din siya ng screenshot ng opinion article ng isang entertainment writer na nagtatanggol sa kanya.

Ayon sa entertainment writer, tao lang si JK at hindi ito masisisi sa pagmumura at pagsenyas ng dirty finger sa isang miyembro ng audience na nambastos sa singer.

Nag-viral ang video si JK nang nagmura at nag-dirty finger siya habang nagpe-perform sa Rakrakan 2019: Days of Love, Peace & Music last March 1, sa Circuit-Makati.

Habang na s a ent abl ado s i JK, ma y isang sumigaw ng: “I love you, Darren!” Ikinagalit ito ni JK, tatlong beses niyang minura ang sumigaw at nag-dirty finger pa siya.

Nakuhanan ng video ang ginawa ng singer at naging viral ito, kaya naman tumanggap siya ng maraming bashings, bagamat may mga nagtatanggol din sa kanya.

Sensitibo para kay JK ang nasabing biro. Matatandaang noong nakaraang taon, nagkasagutan sila ni Darren Espanto sa social media.

Tinawag umano ni JK na “bakla” si Darren, subalit itinanggi ito ni JK at sinabing hindi siya ang may gawa, dahil na-hack ang kanyang account.

H i n d i n ama n i t o pinalampas ni Darren at sumagot din ito sa Twitter laban kay JK.

Dating magkaibigan ang dalawa na parehong grand finalists sa The Voice Kids noong 2014.

Una nang dinepensahan ng Buwan singer nitong Miyerkules ang kanyang sarili sa nangyari, at umalma sa panghuhusga ng netizens sa pagkatao niya dahil lang sa napanood sa video.

Giit niya, bagamat unprofessional ang kanyang ginawa bilang isang performer, normal daw ang naging reaksiyon niya bilang tao.

Kinabukasan ay muli siyang nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram Story at iginiit na “unfair” ang ibang tao para husgahan siyang “lumaki na ang ulo” dahil lang nagmura siya.

-ADOR V. SALUTA