Hinikayat ng isang opisyal ng CBCP ang mga Katoliko na pansamantalang mag-logout sa kani-kanilang social media account, gaya ng Facebook, Instagram at Twitter, bilang paraan ng pagsasakripisyo ngayong Kuwaresma.

SOCMED

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, mas mainam na gugulin sa pananalangin at pagninilay ang oras na inilalaan sa social media.

“Maganda nga instead of pagbabantay sa Facebook o sa TV, magdasal muna tayo o magbasa ng Bible o makipag-usap sa isang may sakit. So ‘yang mga bagay ba na what you denied to yourself you give to the others.’Yan yung mahalagang i-connect natin ‘yan,” sinabi ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pagpipigil na gawin ang mga bagay na labis nating kinagigiliwan, tulad ng social media, ay isang mabisang paraan ng pagsasakripisyo at pagdidisiplina na rin sa sarili.

Pormal nang nagsimula nitong Ash Wednesday ang panahon ng Kuwaresma.

-Mary Ann Santiago