Mga atleta sa Visayas region, hataw sa Batang Pinoy ng PSC

ILOILO CITY— Nagpakitang gilas ang mga pambato ng Antique City at Dumaguete City sa swimming at archery matapos humakot ng tagumpay sa ikatlong araw ng kompetisyon sa 2019 Batang Pinoy Visayas Leg sa Iloilo Sports Complex dito.

LOFRANCO: Multiple gold medalist sa archery

LOFRANCO: Multiple gold medalist sa archery

Hataw si Guilliver Clive Clemente ng Antique sa napagwagihang apat na event sa swimming, habang bumida si Prisa Herren Lofranco sa archery.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nasikwa t n i Clemente, Grade 8 student ng Antique National High School, ang ginto sa 400m individual medley,50m breaststroke, 200m IM at sa 200m breaststroke.

Target niyang makuha ang ikalimang gintong medalya sa pagtatapos ng kompetisyon sa swimming ngayon.

Samantala, nadagdagan ni Lofranco ang naunang dalawang gintong napagwagihan sa panalo sa 50m at 60. Nauna niyang nadomina ang cadet girls 30m distance at 40m.

“Very thankful po lalo na po sa suporta ng parents ko at night coach ko na si Jennifer Chan,” pahayag ng 14-anyos na si Lofranco.

Gaya ni Lofranco apat na ginto na rin ang napagwagihan ni Godwell Maloloy-on ng Mandaue City sa cadet boys 30m, 40m, 50m at 60m event.

Kapwa kakasa ang dalawa sa Olympic round at team events.

Sa Arnis, nagwagi ang pambato ng Mandaue City na si Althea Kate Razonable sa cadet girls traditional event.

Habang si Kate Iccy Solid ng Lapu-Lapu City ang nagwagi ng ginto sa cadet boys non traditional double weapon gayung si Kyle Angelo Tiron ng host City Iloilo naman ang bumida sa cadet boys non traditional single weapon.

Sa kasalukuyang medal tally, nangunguna ang host Iloilo City sa kanilang 23-16-14 panalo para sa kabuuang 53 medalya. Nakabuntot ang Cebu Province sa ikalawang puwesto, kasunod ang Cebu City, Negros Occidental at Bacolod City.

-ANNIE ABAD