ANG kasabihan noon na kapag umuulan at maaraw ay may ikinakasal na tikbalang ay naging running joke na ngayon kapag ganito ang panahon. Naalala na ng milenyals na ganito raw ang sinasabi ng kanilang magulang o ng mga nakatatanda sa kanila.

Nadine and Ulan Cast

Ang kasabihang ito ay ginawang pelikula ni Direk Irene Villamor na may titulong Ulan na ayon sa kanya ay nagsimula sa short story noong script continuity palang siya kay Binibining Joyce Bernal habang nagsu-shoot ng pelikula ni Vhong Navarro na Agent X44.

Ang karakter na Maya sa Ulan ang batang naggugupit ng sariling buhok, naglalaro ng baril-barilan at umaakyat sa puno, ang bida sa short story ni Direk Irene. Isang dekada na ang nakaraan nang makita raw Direk Joyce na nakaipit sa script ng Agent X44 ang script ng Ulan at sinabihan siyang “bakit hindi mo i-screenplay ‘yan?” Kaya naman naisip ng direktora na gawin itong pelikula.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Kuwento naman ni Nadine Lustre bilang bida sa Ulan na produced ng Viva Films: “I play Maya, a girl who believe in tikbalangs kasi as a child, nakita kong may mga kinakasal na tikbalang and since then, I associate the rain with the sad moments in my life, with my failures and unhappy situation.

“Like when my parents died while it’s raining, so it’s my lola, Perla Bautista, who raised me. Parang bad omen siya for me. But I continue to wait, hoping the rain will also one day bring my one true love. And while waiting for a ride sa isang waiting shed habang umuulan, doon ko naman nakilala si Carlo (Aquino) as Peter,” bungad kuwento ni Nadine nang ipakuwento sa kanya ang karakter niya sa pelikula sa ginanap na mediacon ng Ulan sa Felicidad Mansions nitong Sabado.

Inamin ni Nadine na dumaan siya sa matinding kalungkutan noong namatay ang kapatid niya at kailan lang siya nakaka-recover at isa ang boyfriend niyang si James Reid sa tumulong sa kanya para maka-recover.

Masasabing almost perfect ang relasyon nina Nadine at James dahil hindi raw sila nag-aaway.

Kuwento ng aktres pagkatapos ng presscon ng Ulan, “Wala, wala talaga (away). Hindi nga po kasi kami ganu’n. Relax lang po kami kung anong meron. Kahit tampuhan, wala po. Saka natutunan ko rin po kasing maging open sa kanya.

“Lahat po ng nararamdaman ko sine-share ko kasi before po nasanay akong itatago ko po ‘yung nararamdaman ko. Eventually nagba-bottle up po ako then parang mag-e-explode na lang one day.

“Pero ngayon po kasi kapag may problema po ako sinasabi ko agad sa kanya, siya po ‘yung tumutulong sa akin,”

At ang natutunan daw ng dalaga sa relasyon nila ni James, “Ang pinaka-important po natutunan naming dalawa is to relax and love life. ‘Yun lang talaga.

“Parang kaming dalawa, walang bad vibes sa amin. Hindi rin kami ‘yung parang nagbibigay ng bad vibes sa ibang tao. Wala sa amin ‘yung may kaaway, ‘yung mga away-away kaya happy lang.”

Sa tanong kung hahantong sa kasalan ang relasyon nila ni James na tatlong taon na ngayon, “sana po. Ha-hahaha,” tumawang sagot ng aktres.

Mukhang matagal pa sa isipan ng JaDine ang kasalan dahil, “Hindi pa po, eh. Kasi sobrang love po namin ‘yung ginagawa (career) namin ngayon.”

Anyway, mapapanood na ang Ulan sa Marso 13 kasama sina Carlo Aquino, Marco Gumabao at iba pa, handog ng Viva Films.

-Reggee Bonoan