Hinikayat ni reelectionist Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara ang mga college dropouts na bumalik sa pag-aaral at samantalahin ang libreng college education ng gobyerno.

Angara_

“It’s never too late to earn a college degree,” sabi ni Angara.

Pinayuhan ni Angara ang mahigit 360,000 unemployed university dropouts, gayundin ang mga high school graduates na hindi nagkolehiyo.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

“Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para bumalik sa kolehiyo dahil libre na ang tuition sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo,” ani Angara, isa sa mga author ng nasabing batas o Republic Act 10931.

Sinisiguro sa naturang batas, na kilala bilang Free College Law, ang libreng matrikula at iba pang miscellaneous fees para sa mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs).

Hinikayat din niya ang mga walang trabahong nag-dropout at high school graduates na mag-enroll dahil eligible sila sa libreng higher education sa 112 SUCs sa bansa.

“This is their chance to complete their college degrees and create a brighter future for themselves and their families,” aniya.

-Hannah L. Torregoza