Ayaw ni Vice President Leni Robredo na palakihin pa ang isyu sa muling hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa ika-33 EDSA People Power Revolution bukas.

Pangulong Rodrigo Duterte (MB, file)

Pangulong Rodrigo Duterte (MB, file)

Ayon kay Robredo, “choice” ng Presidente kung hindi ito dadalo sa EDSA rites upang gunitain ang mapayapang rebolusyon na nagpatalsik puwesto sa diktador na si Ferdinand Marcos noong 1986.

“Ito kasi, choice niya naman. Wala namang pinipilit na mag-attend ng commemoration,” sinabi ni Robredo sa mga mamamahayag sa Naga City, kung saan pinangunahan niya ang commemoration rites.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tinalo sa pagka-bise presidente ang anak ng yumaong diktador na si dating Senador Bongbong Marcos noong 2016, dumalo rin si Robredo sa misa sa Immaculate Concepcion Parish para sa okasyon.

Inihayag kamakailan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na posibleng hindi uli dumalo si Duterte sa EDSA People Power celebration ngayong taon—ang ikatlong sunod na taon na hindi siya nakibahagi sa okasyon.

Kaugnay nito, hiniling ni Robredon na huwag nang iugnay ang mga “dilawan”—taguri sa partido nilang Liberal Party—sa EDSA People Power Revolution.

Aniya, isang insult para sa maraming Pilipino na iugnay sa iisang partido pulitikal ang rebolusyon na nagpanumbalik sa demokrasya sa bansa.

“Mahalaga na kino-commemorate siya para hindi natin nakakalimutan iyong lessons. Iyong pinakamahalagang lesson doon, pagpapaalala na iyong kapangyarihan, nasa kamay ng ordinaryong Pilipino,” ani Robredo.

Raymund F. Antonio