HINDI bibiguin ng GMA-7 ang mga nag-aabang ng eksena nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa pilot episode ng Kara Mia mamaya, dahil sasalubong agad sa viewers ang eksena ng magkapatid. Ipakikita rito ang eksenang nag-aaway sina Kara at Mia sa overpass na nauwi sa pagkahulog ng isa sa kanila mula sa overpass.

Barbie at Mika

Siyempre, hindi namin isinulat kung sino ang mahuhulog kina Kara at Mia para hindi ma-preempt ang viewers. Basta magugulat kayo sa mga susunod na eksena. Nag-away kasi ang kambal na umabot sa sa pananakit ni Kara sa kanyang sarili.

Naikuwento ni Barbie sa presscon na masakit ang sampalin ang sarili at mabuti na lang, ang sarili niya ang kanyang sinaktan at hindi si Mika dahil magi-guilty siya kung sakaling may masaktang iba.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Puwedeng-puwedeng magawan ng meme ang eksena nina Barbie at Mika at hindi kami magugulat kung may mga maglalabasan na namang meme ang kambal na nag-aaway. Huwag lang gayahin ‘yung may nahulog sa overpass, mahirap na at baka may tuluyang mahulog.

Magkasama sina Barbie at boyfriend niyang si Jak Roberto sa Kara Mia at sabi ni Barbie: “Mas gusto ko sana wala si Jak sa eksena. May factor na nako-conscious ako ‘pag magkasama kami sa eksena, pero siyempre, hindi mapipigilan ‘yun dahil love interest ko siya. Ang hirap kasing isipin na hindi ko siya boyfriend at ang isipin ko ay si Paul (Salas) dahil sa first part ng story, sa kanya ako magkakagusto,” sabi ni Barbie.

This Monday na, pagkatapos ng 24 Oras ang pilot ng Kara Mia, mula sa direksyon ni Dominic Zapata. Matagal nang hinihintay ng viewers ang serye, mula nang lumabas ang unang short teaser hanggang ngayong magsisimula na ang airing.

Siniguro naman ni Direk Dom at ng buong production team na magugustuhan ng publiko ang Kara Mia, at hindi madidismaya ang mga naghihintay sa fantasy drama.

-NITZ MIRALLES