TOKYO (AP) – Tumanggi si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ang kanyang chief spokesman na magsalita kung totoong ni-nominate ni Abe si US President Donald Trump para sa Nobel Peace Prize.

Sinabi ni Abe sa Parliament kahapon na hindi isinisiwalat ng Nobel committee ang mga partido sa likod ng mga nominasyon sa loob ng kalahating siglo. Kaya naman, “I thus decline comment.”

Sinabi ni Yoshihide Suga, tagapagsalita ng gobyerno, sa reporters na pinapahalagahan ng Japan ang mga pagsisikap ni Trump sa nuclear disarmament ng North Korea, ngunit tulad ni Abe ay tumanggi rin siyang magkomento.

Sinabi ni Trump nitong Biyernes na ni-nominate siya ni Abe, at pinadalhan ng “beautiful copy” ng liham sa komite. Hindi pa ito maberipika
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM