Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa umano’y tulak ng ilegal na droga, sa buy-bust operation sa Taguig City, nitong Biyernes.

Students of Araullo High School in Ermita, Manila line up for the first day of classes on Monday which also starts the full implementation of the K-12 program in the country. (JOHN JEROME GANZON)

Students of Araullo High School in Ermita, Manila line up for the first day of classes on Monday which also starts the full implementation of the K-12 program in the country. (JOHN JEROME GANZON)

Nasa kustodiya ng PDEA sa Camp Crame, Quezon City at iniimbestigahan ang suspek na si Euela Arguel Rosario, nasa hustong gulang, taga-Taguig City.

Sa ulat ni Levi Ortiz, ng PDEA, nadakip ang suspek nang makipagtransaksiyon ito sa isang poseur-buyer sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakumpiska kay Rosario ang kalahating kilo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng reklamo ang PDEA mula sa ilang magulang na sangkot ang suspek sa sinasabing talamak na bentahan ng shabu sa tapat ng isang paaralan sa nabanggit na barangay.

Ayon pa sa mga awtoridad, gumagamit si Rosario ng mga menor de edad para magsilbing drug runner.

Gayunman, mariing itinanggi ng suspek na siya ay nagtutulak ng droga ngunit umamin umanong gumagamit ng ilegal na droga.

Nabatid na nakulong na ang suspek sa drug charges noong 2012, subalit nakalaya nang maabsuwelto.

Inihahanda na ang kaso sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.

Bella Gamotea