Kung ano ang nasa hapag, ito ang pagsaluhan.

RAMIREZ

RAMIREZ

Kung si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang tatanungin ito ang kanyang saloobin hinggil sa pondo para sa hosting ng 2019 Southeast Asian Games ngayong Nobyembre.

Noong 2005, ikatlong pagkakataon na naghost ang Pilipinas ng biennial meet, tumayo bilang Chef de Mission si Ramirez, habang siya rin ang nakaupong charrman ng PSC.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Malayong malayo ang preparasyon ng 2005 SEAG sa kasalukuyang preparasyon, gayung noong mga panahong iyon ay nasa P3Milyon lamang ang pondo na inilaan ng gobyerno kumpara sa kasalukuyang budget na 6 na bilyong piso.

“Ang sa akin naman, kung ano ‘yung budget na available ‘yung na lang ang pagkasyahin ba. But of course, we are very thankful kasi nga nakikita namin ‘yung suporta ng gobyerno and everybody is getting ready for the hosting,” pahayag ni Ramirez.

Ayon kay Ramirez, malaki ang pagkakaiba ng 2005 SEAG sa magiging hosting ng bansa ngayong darating na Nobyembre, buhat sa miyembro ng organizing committee, isa din ito sa tinatayang pinakamagarbong hosting ng bansa

“Iba itong hosting natin ngayon kasi the members of the organizing committee are different, the events are greater, and the expectations of the Filipino people is to be number 1 despite the many challenges. We want to be the champion, but unity is the heart and soul of the hosting,” ayon pa sa PSC chief.

Bagama’t aprubado na ang pondo, natapyas naman ng 33% ang orihinal na pondo na P7.5 Bilyon ng Senado, na inaasahang lalabas na ngayong Marso.

At habang wala pa umanong pondo ang PHISGOC, ang PSC muna ang siyang aayuda upang punan ang ilang pangangailangan sa paghahanda lalo na pagdating sa mga equipments ng mga atleta para sa paghahanda.

Ngunit, nilinaw ni Ramirez na kailangan pa rin na sundin ang government rules lalo na sa pagpopondo para sa mga atleta. gayunman ay kailangan pa rin dumaan umano sa proseso ang lahat.

“When it comes to the athletes training and preparations, it should be addressed to the NSAs. But there was a feedback that PSC is very aggressive. Of course because we are the one funding. When it comes to funding we will intervine because we are the one funding, so may pakialam ang psc, so if we can have a good raport we can work together,” ani Ramirez.

-Annie Abad