Hinamon ng opposition senatorial candidates ng Otso Deretso ng debate ang mga kumakandidatong senador, kasama na ang mga kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang malaman ng taumbayan kung sinu-sino ang dapat na ihalal sa Mayo 13.

Ito ang inihayag ng mga opposition senatoriables, na ikinakampanya ni Vice President Leni Robredo ng Liberal Party (LP), sa press conference sa Caloocan City nitong Martes.

Ayon kay Senator Bam Aquino, handa silang talakayin ang kahit na anong isyu na mahalaga sa buhay ng mga Pilipino, kabilang ang pagtaas ng presyo ng bilihin, libreng matrikula sa kolehiyo, pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, at pagkakaroon ng maayos na trabaho na may magandang suweldo.

-Orly L. Barcala
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente