Mahigit 100 kahon ng sigarilyong naipuslit sa bansa mula sa Malaysia ang nasabat sa isang pantalan sa Zamboanga City kamakailan, kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Rumesponde sa isang intelligence report, sinalakay ng grupo mula sa Bureau of Customs (BoC), PCG, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang MV Kristel Jane 3 dahil sa pagkakarga umano ng “large quantities of smuggled tobacco products from Jolo, Sulu province.”

May kabuuang 158 kahon ng puslit na sigarilyo ang nadiskubre sa loob ng engine room ng barko.

Kalaunan, nabatid na ang mga puslit na kontrabando ay nagmula sa Sandakan, Malaysia, at nagkakahalaga ng aabot sa P11 milyon, ayon sa PCG.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dinala ang mga kontrabando sa BoC sa Zamboanga City para sa kaukulang disposisyon.

-BETHEENA KAE UNITE