Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang babaeng wanted dahil sa umano’y pambubugaw ng mga menor de edad sa online sex shows sa Taguig City, iniulat ngayong Linggo.Nasa kustodiya ng CIDG headquarters sa Camp Crame, Quezon City si Ma. Lorena Regalona, alyas Rhea, nasa hustong gulang, ng Taguig City.

Sa ulat, ilang taon nang nagtatago ang suspek dahil sa kasong qualified trafficking in persons, na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo at P5 milyong multa.

May karagdagan pang Child Abuse laban kay Regalona.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang CIDG nitong nakaraang linggo mula sa isang impormante hinggil sa kinaroroonan ng suspek at inaresto.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

-Bella Gamotea